Indonesia – Pormal nang binuksan ang 18th Asian Games sa Indonesia.
Isinagawa ang seremonya sa 76,000-seater Gelora Bung Karno Main Stadium sa Jakarta Kagabi.
Pinangunahan ni Indonesian President Joko Widodo ang opening ceremony kung saan ipinamalas nito sa kanyang entrance ang astig na pagmamaneho ng motorsiklo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Widodo na malugod niyang wine-welcome ang mga bisita mula sa 45 kalahok na bansa.
Agaw-pansin din ang sabay na pagmartsa ng mga atleta mula North at South Korea.
Ang Olympian na si Susi Susanti ang nagsindi sa cauldron na hugis bulkan bilang hudyat ng pagsisimula ng torneyo.
Facebook Comments