BINUKSAN NA SATELLITE REGISTRATION SA PAARALAN SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAKAPAG PAREHISTRO NG 226 NA MAG-AARAL

Umabot sa 226 na mag-aaral ang nairehistro sa roll out ng voter registration na isinagawa sa Pugaro Integrated School sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa COMELEC Dagupan, maituturing na tagumpay ang isinagawang satellite registration na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Junior at Senior High School level.

Nalampasan nito ang target na 200 kabataan ang magparehistro sa kada paaralan. Bukas, ika-15 ng Disyembre bubuksan ang satellite registration sa Carael National high school.

Bukas naman ang tanggapan ng COMELEC Dagupan mula Lunes hanggang Sabado para sa mga nagnanais na magparehistro. |ifmnews

Facebook Comments