BINULGAR | Halos 300 barangay officials, kabilang sa narco-list ni Pangulong Duterte – PDEA

Manila, Philippines – Isiniwalat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroong 289 na barangay officials ang kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PDEA Director, Gen. Aaron Aquino – ang mga barangay official na nakalista ay inaasahang madadagdagan dahil iniimbestagan pa ang ilan pang opisyal na sinasabing sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

Sabi ni Aquino – mula sa nasabing bilang, 143 rito ay barangay chairmen at 146 na barangay kagawad.


Paglilinaw naman ng PDEA, mayroon silang sariling watch list o tinatawag na National Drug Information System kung saan may mga nakalistang ilang local officials na dawit sa illegal drug trade subalit hindi kasama sa narco-list ng Pangulo.
<#m_528937097333682921_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments