Binuong 5-man advisory group, nagsagawa ng unang pulong ngayong araw – DILG

Nag-convene na ngayong araw ang 5-man advisory group kaugnay sa gagawing pagsusuri sa resignation ng mga nasa third level police officer.

Pinaplantsa na ng 5-man advisory group ang mga guideline na susundin sa pagsala sa courtesy resignation na isinumite ng mga mataas na opisyales ng Philippine National Police.

Ito ang inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa gitna ng patuloy na hakbangin ng PNP para linisin ang kanilang hanay laban sa iligal na droga.


Ayon kay Abalos, tiniyak ni PNP Chief Rodolfo Azurin, kailangang mahabol nila na matapos ang trabaho sa susunod na tatlong buwan.

Kabilang din aniya sa gagawing batayan sa pagsala ay ang history ng mga opisyal batay sa hinawakan nilang mga kaso.

Bukod kay Gen. Rodolfo Azurin, kabilang sa mga miyembro ng advisory group sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro, Presidential Adviser on Military Affairs Undersecretary Isagani Neres at dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Melchor Sadang.

Facebook Comments