Binuong ICI, mahina ang kapangyarihan —Rep. De Lima

Magandang simulain para kay House Deputy MINORITY leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang pagbuo ng Independent Commission for Infrastructure o ICI para imbestigahan ang maanomalyang flood control projects.

Pero agad napuna ni De Lima na kulang ang kapangyarihan ng ICI dahil mayroon lang itong subpoena power pero walang contempt power.

Sabi ni De Lima, limatado lang ang mandato ng ICI dahil saklaw lang nito ang mga opisina at mga ahensya sa ilalim ng executive branch at hindi kasama ang lehislatura at hudikatura.

Kaya naman giit ni De Lima, sa halip na executive order lang ay mas mainam na maaprubahan ang inihain nilang house bill 4453 o panukalang batas na syang bubuo ng isang makapangyarihang Independent Commission na mag-iimbestiga sa katiwalian sa mga proyektong pang-imprastraktura.

Sa kabila nito ay muling nanawagan si De Lima sa Kamara at Senado na itigil na ang magkahiwalay na imbestigasyong isinasagawa ukol sa palpak at iregular na flood control projects upang mabigyang-daan ang pagsisiyasat ng ICI.

Facebook Comments