BINURA | Pangamba sa posibleng mass lay-off sa mga key shelter agencies, pinawi

Manila, Philippines – Pinawi ni Senador JV Ejercito ang pangamba na magbubunsod ng malawakang tanggalan ng mga empleyado ang pagsasama sama na sa iisang departamento ng mga key shelter agencies.

Kasunod ito ng pagkakapasa na sa Senado ng panukalang batas na lilikha ng Department of Human Settlements and Urban Development.

Kabilang sa mapapasailalim sa Department Human Settlements and Urban Development ay ang Housing and Urban Development Coordinating Council at Housing and Land Use Regulatory Board.


Ang Departamento ang tanging magpaplano at lilikha at magreregulate ng polisiya at magmomonitor ng mga programa sa housing, human settlements at urban development.

Sa isang panayam matapos magtalumpati sa Performance Challenge Fund Summit ng DILG, tiniyak ni Ejercito na wala namang mabubuwag na ahensya kaya walang dapat ikabahala ang nga opisyal at mga kawani.

Layunin lamang ng gobyerno na magkaroon ng iisang direksyon ang mga key shelter agencies at mawawala na ang paulit ulit na problema sa backlog ng mga housing projects katulad ng problema na nilikha ng Yolanda crisis.

Facebook Comments