Sinimulan nang buwagin ng North at South Korea ang 20 guard post nito at heavily-fortified borders nito para mabawasan ang tension sa demilitarized zone.
Ang demilitarized zone ang lugar na naghahati o naghihiwalay sa North at South Korea.
Sa ilalim ng kasunduan ng dalawang bansang Korea, tatanggalin ang tig-10 post nito pero mag-iiwan sila ng tig-isa sa pagitan ng kanilang border.
Una nang nagkasundo sina South Korean President Moon Jae-in at North Korean Leader Kim Jong un na palawakin ang planong pagpapagaan ng tensyon sa kanilang border.
Base sa mga datos, ang South Korea ay may 60 guard post hanggang nasa 160 ang North Korea.
Facebook Comments