Biodiesel content ng diesel, magiging 3% na epektibo bukas

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na simula bukas, October 1, 2024, 3% na ang biodiesel content ng diesel.

Ayon sa DOE, hindi na lamang dalawang porsyento ang biodiesel content  ng diesel na ibebenta sa mga gasolinahan.

Bahagi anila ito ng  pagpapalago sa ekonomiya ng bansa at pangangalaga sa kalikasan.


Balak din ng Energy Department na itaas pa sa 4% ang coco methyl ester blend sa diesel pagsapit ng October 1,2025.

Habang sa October 1,2026 ay itataas na sa limang porsyento ang CME content sa diesel.

Ayon pa sa DOE, ang publiko ang magbebenipisyo nito dahil tataas ang kanilang mileage sa kanilang sasakyan  sa average na 10 kilometers per liter ng diesel sa halos   11 kilometers.

Makakatulong din aniya ito para mapababa ang  pump prices bunga ng  1% na pagtaas sa CME blend sa nasabing produktong petrolyo.

Malaking tulong din ito sa kabuhayan ng mga magsasaka ng niyog, biodiesel producers, at sa industriya ng niyog dahil  900 million na karagdagang niyog ang magagamit para makapag-produce ng   100 -120 million liters ng CME requirements para mapunan ang 1% mandatory increase sa CME blend.

Facebook Comments