Biodiversity Management Bureau nagbabala sa pagpatay sa mga migratory bird

Manila, Philippines – Delikado kung papatayin ang mga migratory bird, ito ang kinumpirma ng Biodiversity Management Bureau kasunod ng bird flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay BMB Director Theresa Mundita Lim, napatunayan na sa mga obserbasyon na hindi epektibo ang pag patay para makontrol ang pagkalat ng sakit o bird flu virus.

Sa katunayan, piligro pa ang dulot nito kapag pinatay ang mga migratory bird na posibleng mag resulta sa pag lipat ng sakit sa tao.


Sa ilalim ng R.A 9147, o wildlife resources conservation and protection act, pinagbabawal ang paghuli, at pag patay sa mga wild birds.

Anila sa halip na i-hunting, dapat protektahan pa ito dahil ilan sa mga napapadpad sa Pilipinas ay malapit ng maubos ang lahi.

Facebook Comments