Biosafety training para sa mga health care workers, sinimulan na sa Luzon

Inumpisahan na ang limang araw na biosafety training ng mga health care workers (HCWs) gaya ng medical technologist, doktor, at mga narse sa iba’t ibang  bahagi ng lugar sa Luzon.

Ayon sa Department of Health (DOH), layunin ng naturang training ay  sanayin ang mga health care workers sa iba’t ibang biosafety measures katulad ng biorisk mitigation control, pagbibiyahe ng mga infectious substances, pagresponde sa aksidente o anumang insidente sa loob ng mga laboratory, at  paggamit ng personal protective equipment (PPE).

Samantala, ang mga health workers na lumahok dito  ay mula sa Metro Manila, MIMAROPA, CALABARZON, Bicol Region, Ilocos, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley.


Facebook Comments