BIR at PAGCOR, bigong buwisan ang kita sa e-sabong

Kinalampag ni Senador Francis Tolentino ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Dahil ito sa umano’y kabiguang buwisan ang mga napanalunang pusta mula sa operasyon ng e-sabong sa bansa sapul ng ito’y inumpisahan noong Abril 2020.

Giit ni Tolentino sa BIR at PAGCOR, patawan ng 20-porsiyentong withholding tax ang mga tinatawag na ‘winning profits’ mula sa online talpakan.


Dismayado si Tolentino, na ang natatanggap lamang na kita ng pamahalaan mula sa e-sabong ay galing sa regulatory fee na ipinapataw ng PAGCOR na may halagang P12,500 kada sultada.

Diin pa ni Tolentino, dapat tugunin ng BIR at PAGCOR ang layunin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumita ng malaki ang pamahalaan mula sa e-sabong para maidagdag sa mga serbisyo ng gobyerno tulad ng pagbibigay ng ayuda at pampagawa sa mga kalsada.

Facebook Comments