BIR, handang harapin ang anumang kaso na may kaugnayan sa bigong pangongolekta ng buwis ng pamilya Marcos

297

Handa si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay na harapin ang anumang kaso na maaaring isampa sa kanya kaugnay ng kanyang trabaho.

Ang pahayag ay ginawa ni Dulay sa pagharap nito sa isang media briefing sa Maynila kasunod na rin ng babala ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na maaaring kasuhan ang mga opisyal ng BIR dahil sa kabiguang mangolekta ng buwis.

Ang babala ni Carpio ay may kaugnayan sa estate tax na hindi pa nababayaran ng mga Marcos.


Nilinaw naman ni Dulay na batay sa record ng BIR, P23.3 bilyon ang utang na buwis ng mga Marcos at hindi P203 bilyon tulad ng lumalabas sa balita.

Naniniwala si Dulay na ang justice system ay ginagabayan ng rule of law at ang Korte ay umaaksyon ng batay sa facts at hindi ng public opinion sinuman indibidwal.

Tiniyak rin ni Dulay na sa ilalim ng kanyang pamamahala, patuloy na mangongolekta ang BIR ng mga hindi pa nabayarang buwis pero ang lahat ay ibabatay sa tamang proseso.



Dagdag pa ni Dulay, ang paniningil sa mahigit 30 taon ng Marcos estate tax ay dumaan sa limang presidente at 13 BIR Commissioners.

Facebook Comments