BIR hindi na magbibigay ng extention sa pagbabayad ng income tax

Nagbabala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga hindi pa nakapag babayad ng income tax na hindi nila palalawigin ang deadline ng pagbabayad ng income tax na itinakda sa darating na April 15.

Ayon kay Atty. Marisa Cabreros, spokesman ng BIR dapat ay makapagbayad na ang mga dapat magbayad ng buwis bago ang deadline dahil kung hindi aabot ang mga ito ay magkakaroon na ng penalty ang kanilang babayaran.

Sinabi ni Cabreros na mas maganda din na huwag nang paabutin ng huling araw ng bayaran ang pagbabayad ng income tax upang makaiwas sa mahabang pila sa mga BIR offices at upang makaiwas narin sa mga hindi inaahang aberya.


Paliwanag pa ni Cabreros, hindi na sila magpapalawig pa ng deadline ng pagbabayad ng income tax dahil Semana Santa na ang akinse ng Abril.

Pinaalalahanan din ni Cabreros ang mga tax payers na ipinatutupad na nila ang online payment upang hindi na kailangan pang pumila sa mga BIR offices.

Facebook Comments