BIR, iimbestigahan na rin ang alegasyon laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista

43

Manila, Philippines – Mag-iimbestiga na rin ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa umano’y hindi dekleradong yaman ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, nagkausap na sila ni BIR Commissioner Cesar Dulay hinggil sa ‘parameters’ na gagawing imbestigasyon.

Bukod dito, inaasahang magkakaroon aniya ng ‘sharing of information’ sa pagitan ng BIR at NBI.

Sinabi pa ng kalihim, , maglalabas ng letter of authority ang BIR para mabigyan ng pahintulot ang mga tauhan ng NBI na mabusisi ang accounting records ni Bautista at iba pang nilalaman ng affidavit ng maybahay nito na si Patricia Paz.

Una nang nakipag-ugnayan ang NBI sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at iba pang mga ahensya ng gobyerno para siyasatin ang umano’y tatlompung bank accounts ni Bautista.

Facebook Comments