Mas pinabilis na ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang proseso ng pagpaparehistro ng mga taxpayer.
Maaari nang magtakda ng schedule ang mga taxpayer para sa kanilang transaksyon sa BIR Revenue District Offices (RDOs) gamit ang e-Appointment System ng Bureau.
Sa pamamagitan ng e-Appointment System , maaaring iiskedyul ng mga taxpayer ang kanilang pagbisita sa district office para sa isang partikular na frontline services na gustong i-avail sa Client Support Section (CSS).
Kinabibilangan ang mga ito ng pagpaparehistro ng negosyo, application para sa authority to print, pagpaparehistro ng book of accounts,aplikasyon para sa pag-isyu ng TIN, pag-update ng impormasyon sa pagpaparehistro at iba pa.
Ang e-Appointment System para sa CSS ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng BIR website.
Una itong inilunsad noong Pebrero, 2021 sa dalawampu’t limang (25) Revenue District Offices at pinalawak sa pamamagitan ng phase sa iba pang RDO.
Simula Setyembre 30, 2022, mayroong 99 sa 132 RDO sa buong bansa ang gumagamit ng e-Appointment System para sa kanilang frontline transactions.