BIR – muling nagpaalala sa filing ng Income Tax Return, expanded compromise settlement program sa mga hindi nagbabayad na tax payer – sisimulan na

85

Manila, Philippines – Muling nanawagan ang Bureau of InternalRevenue sa publiko na maghain na ng kanilang income tax return.
  Ayon kay BIR Commissioner Billy Dulay – huwag nanghintayin na itinakdang deadline sa filing ng i-t-r na hanggang Lunes na lamang Abril17 at ngayon pa lang ay magbayad na upang hindi maabala.
  Kasabay nito, kinumpirma ni Dulay ang pagsisimula ng“expanded compromise settlement program” para sa mga tax payers na may hindi panabayarang buwis.
  Nabatid na nag-usap na ang BIR at kampo ni Sen. Manny Pacquiaopara sa isang compromise agreement kaugnay sa hindi nabayarang buwis ng Senadornoong nakaraang administrasyon.
 

Facebook Comments