BIR, naglabas ng listahan ng mga gamot na exempted sa Value-Added Tax

Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng listahan ng dalawampung karagdagang gamot na exempted sa Value Added Tax o VAT

Batay sa Revenue Memorandum Circular No. 34-2024 na inisyu ni Commissioner Romeo Lumagui Jr., dalawampung gamot para sa cancer, hypertension at mental illness ang tinanggalan ng VAT.

Kabilang dito ang labindalawang gamot sa cancer, apat sa hypertension at apat na gamot sa mental illness.


Ang circular ay alinsunod sa liham ng Food and Drug Administration sa Department of Health, para sa updated list ng VAT-Exempt Products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 and 11534 o ang TRAIN Law at CREATE Act.

Facebook Comments