BIR, nagsampa ng reklamong Tax Evasion laban sa higit 20 korporasyon at mga CPA

Nagsampa ng reklamong ₱1.41 bilyon tax evasion ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ).

Ito’y laban sa 23 na korporasyon kasama ang mga opisyal nito at 17 Certified Public Accountants (CPAs) dahil sa pag-iwas at hindi tamang pagbabayad ng buwis.

Pinangunahan ni BIR Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang pagsasampa ng mga kaso, at binigyang-diin ang pangako ng ahensya na sugpuin ang pandaraya sa buwis.

Sinabi ni Lumagui na pawang mga “ghost receipt” ang ginamit na sistema ng mga ito.

Dahil dito, nababawasan ang iniulat na kita ng mga naturang korporasyon kung kaya’t naiiwasan ang pagbabayad ng nararapat nilang buwis.

Aniya, nagiging kasabwat ng mga korporasyon ang mga CPA kung saan gumagawa sila ng mga maling report.

Susuriin naman ng DOJ ang mga ebidensya at magpapasiya kung magsasampa ng mga kaso sa korte.

Facebook Comments