BIR, nalampasan ng mahigit 14% ang collection target noong Abril ngayon taon

Ibinida ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nakakulekta ng buwis na ₱1.111 trillion net of tax refund ang ahensiya hanggang abril ngayong taon.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., nalampasan ang collection target para sa panahon ng ₱7.045 billion mas mataas ng 14.50 % o katumbas ng ₱140.695 billion kumpara sa tax collections sa kaparehong panahon noong nakalipas na taon.

Paliwanag pa ni Lumagui ang pinagsama-samang koleksyon noong Abril ay kumakatawan sa higit sa 35% na collection target ng ahensiya para ngayong 2025 na ₱3.232 trillion.

Dagdag pa ng opisyal na mas mataas ito ng 13.36% o katumbas ng ₱380.871 billion kaysa sa 2024 actual collection.

Tiniyak ni Lumagui na mas papaigtingin pa ng BIR ang tax enforcement activities nito, dahil sa mataas na koleksyon partikular ang kampanya laban sa mga nagbebenta at bumibili ng mga pekeng resibo.

Gayundin ang patuloy na streamlining at digitalization ng mga pangunahing serbisyo ng BIR.

Hinihikayat din ni Lumagui ang lahat ng mga pasaway na taxpayers na sumunod sa tax laws para makamit ang mahigit pa sa taunang collection target ngayong taon.

Facebook Comments