Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue na walang ipapataw na anumang penalty sa mga taxpayers na naghain ng kanilang 2016 Income Tax Return sa pamamagitan ng online processing noong Lunes.
Ayon Kay BIR Deputy Commissioner for Information System Lanne David, hindi umano sakop ng 25% surcharge ang mga taxpayers na naghain ng kanilang ITR sa Electronic Filing and Payment System.
Ginawa ni David ang paglilinaw matapos makatanggap ng reklamo ang BIR na umanoy nabigyan ng penalty ang mga taxpayers ng naghain ang mga ito noong Lunes sa Online System.
Base sa impormasyon, awtomatikong nalagyan ng penalty ang mga naghain noong Lunes ng ITR dahil April 15 ang nasa Online Database ng ahensya.
Ngunit sinabi ni David na balewalain na umano ito ng mga taxpayers at magtungo na lamang sa Payment System at bayaran ang kanilang tax due na walang ipapataw na anumang penalty.
Nation