BIR Officer na naaresto ng NBI sa entrapment operation, iniharap sa publiko

Tikom ang bibig ng revenue officer ng BIR Revenue District 25-A ng Plaridel, Bulacan nang iharap ito sa media ng NBI kasama ang dalawang iba pang natimbog sa entrapment operation  ng NBI-Counter-Terrorism Division at NBI-Anti-Graft Division.

 

Si Reynaldo Lojuco ay inaresto sa isang fastfood chain malapit sa kanilang opisina matapos nitong tanggpin ang P100,000 entrapment money.

 

Ayon sa NBI, hiningan  ni Lojuco ng P300,000 ang isang negosyante na nauna nang kinasuhan nito ng paglabag sa ilang probisuyon ng national internal revenue code.


 

Nadismiss provisionally ang kaso dahil sa hindi pagsipot ni Lojuco sa mga hearing.

 

Pero, nagbanta daw si Lojuco sa complainant na bubuhayin ang kaso kung hindi magbibigay sa kanya ng kabuuang P300,000.

 

Agad namang nagsumbonv sa NBI ang complainant kaya nagkasa ng entrapment operation ang mga ahente kung saan inaresto ang nasabing BIR official at ang dalawang tauhan nito na sina Sheila Marie Santiago at Kim Bernadeth Cariño.

 

Sinampahan na ang  tatlo  sa DOJ ng mga kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, direct bribery at robbery extortion.

Facebook Comments