BIR, pinalawig ang registration ng mga online seller hanggang katapusan ng Agosto

Pinalawig ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa business registration ng online sellers o ang mga nagsasagawa ng business transactions sa pamamagitan ng digital o electronic means.

Batay sa inilabas na memorandum circular, ang deadline ng registration na orihinal na itinakda sa July 31 ay in-extend hanggang August 31.

Mahalagang makapagrehistro ang mga ito alinsunod sa section 236 ng Tax Code, kung saan sila ay tax compliant.


Sakop ng kautusan ang partner sellers o merchants, maging ang iba pang stakeholders tulad ng payment gateways, delivery channels, internet service providers at iba pang facilitators.

Hinimok din ng BIR ang mga online seller na boluntaryong ideklara ang kanilang mga nakaraang transaksyon.

Pagtitiyak ng BIR na walang dapat ipangamba ang mga online seller dahil magiging makatwiran naman ang kanilang deklarasyon at walang ipapataw na iba pang fee tulad ng ₱500 registration fee at ₱30 documentary tax stamp.

Una nang iginiit ng Department of Finance (DOF) na hinihimok lamang ng BIR memo ang mga online sellers na magparehistro at hindi ‘gatasan’ ng pera.

Facebook Comments