BIR, pinayuhan ang taxpayers na gamitin ang online appointment system

Nakiusap ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa taxpayers para i-avail ang online appointment system.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Information System Group Lanee Cui-David, aabot sa 16 na revenue district offices (RDOs) ang nasa ilalim ng eAppointment System.

Ang mga bagong batch ay ang San Nicolas-Tondo, Cainta at Taytay-Rizal, North at South-Pampanga.


Target ng BIR na magkaroon ng electronic system sa lahat ng 120 RDOs sa buong bansa.

Ang eAppointment ay maaaring ma-avail sa pamamagitan ng BIR Website.

Ang mga malalaking taxpayers sa ilalim ng bureau’s large taxpayers service ay naka-enroll na sa system.

Dagdag pa ng BIR official na ang eAppointment system ay sasakupin na rin ang lahat ng tax transactions at gawing permanent feature kahit matapos ang pandemya.

Facebook Comments