BIR Road at Agham Road sa Quezon City, opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue

Opisyal nang tatawaging Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ang BIR Road at Agham Road sa Quezon City.

Isang simpleng seremonya ang ginanap sa Agham Road ngayong umaga para sa renaming ng Agham at BIR Road.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at dinaluhan ni Vice President Sara Duterte, Narciso Santiago, ang asawa ni dating Senator Meriam Santiago at ang kapatid nito na si Dra. Linnea Evangelista at ilang Senador.


Ang pagpapalit ng bagong pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Senator Miriam P. Defensor-Santiago Avenue ay alinsunod sa Republic Act No. 11963.

Si Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pangunahing may-akda ng batas sa Senado.

Ang Agham Road ay mula sa North Avenue hanggang Quezon Avenue at BIR Road mula Quezon Avenue hanggang East Avenue, sa Quezon City.

Facebook Comments