Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung saan aabot sa 1.31 milyong pakete ng peke at ipinagbabawal na sigarilyo ang nasamsam ng ahensiya sa dalawang warehouse sa Quezon City at Caloocan City.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., isinagawa ang pagsalakay ng BIR at ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG) mula noong Huwebes hanggang Biyernes.
Paliwanag ni Lumagui, tinatayang aabot sa P838 million ang tax liability ng mga illicit cigarette trader.
Pinuri naman ng BIR chief ang PNP-CIDG sa kanilang dedikasyon na labanan ang illicit trade.
Kasabay nito ang apela ng BIR sa lahat ng informants na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon sa mga posible pang target.
Facebook Comments