BIR, tinanggal na ang suspensyon sa pag-iisyu ng mission orders

Maaari na muling mag-isyu ng mission orders ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang habulin ang mga pinaghihinalaang tax evader.

Kasunod ito ng kautusan ni Commissioner Lilia Catris Guillermo na alisin na ang suspensyon sa mga MO.

Magugunita na noong May 30, 2022 sinuspinde ng BIR ang enforcement activities at operations gaya ng pagkakasa ng ocular inspection, surveillance activities, stock-taking activities at implementasyon ng suspensyon o temporary closure ng mga establisyimento.


Kasunod ito ng nilikhang kontobersya ng pagpapasara sa Megaworld Corporation.

Nauna na ring tinanggal ni Guillermo ang suspension ng mga field audit.

Ayon kay Guillermo, layon ng hakbang na mapalawak ang tax base at masigurong nagbabayad ng tamang buwis ang mga tax payer.

Pinayuhan ni Revenue Commissioner Guillermo ang lahat ng mga internal revenue officer na mahigpit na sundin ang mga alituntuning gumagabay sa issuance at implementasyon ng mga mission order.

Facebook Comments