Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga online seller na magiging makatwiran ang ipapataw na buwis sa mga idineklarang kita.
Ito ay kasunod ng pagre-require sa mga negosyong gumagamit ng digitial transactions na magparehistro sa kawanihan.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, nais nila na nakarehistro ang lahat ng nagsasagawa ng online selling bago o pagsapit ng July 31.
Hinihikayat din nila ang mga online sellers na ideklara ang kanilang mga nakaraang transaksyon.
Papatawan kasi aniya ng buwis ang mga past transaction.
Pagtitiyak din ni Guballa na walang mabigat na registration fees.
Una nang sinabi ng Malacañang na ang mga kumikita sa online selling ng ₱250,000 pababa ay exempted sa pagbabayad ng tax batay sa Republic Acrt 1093 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.