Inamin ng Bureau of Animal Industry (BAI) na nagkaroon ng outbreak ng bird flu sa bayan ng Santa Maria sa Bulacan.
Sinabi ni BAI, 17,000 na mga manok ang pinatay upang hindi na kumalat pa ang naturang sakit.
Simula noong January 2023, anim na mga poultry farm ang nagkaroon ng outbreak ng bird flu sa buong bansa.
Tiniyak naman ng ahensya, walang dapat ipag-alala ang publiko dahil kontrolado na ang naturang outbreak.
Wala na rin umanong dapat ikabahala ang mga may poultry farm sapagkat may ginagawa ng precautionary measures ang BAI.
Facebook Comments