Nagsagawa ng avian influenza surveillance ang La Union dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga migratory birds sa probinsya.
Sumailalim sa oropharyngeal swabbing ang mga wild migratory at wild resident birds sa Barangay Raois, Sto. Tomas, La Union. Walong oropharyngeal swabs mula sa walong migratory birds na binubuo ng tatlong magkakaibang species ng ibon – ang nakolekta at ipinasa sa Department of Agriculture Ilocos Region Integrated Agricultural Laboratories sa Sta. Barbara, Pangasinan para sa pagsusuri sa laboratoryo.
Lumabas naman na negatibo ang mga nakolektang swab samples mula sa mga ito ayon sa DA.
Samantala, nagsagawa rin ang probinsya ng wildlife monitoring activity sa isang pribadong farm sa Barangay Pangao-aoan East, Aringay upang masigurong walang sakit ang mga hayop na nasa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨