BIRDFLU, PAGHAHANDAAN NG DAF-ARMM!

Magpapatawag ng pulong ngayong araw ng Martes, August 22, 2017 si Department of Agriculture and Fisheries-ARMM Secretary Alexander G. Alonto, Jr. sa lahat ng sector heads at division chiefs na gaganapin sa conference room ng departamento dito sa Cotabato City.
Ito’y kaugnay ng kanilang isasagawang paghahanda laban sa muling pagkakaroon ng birdflu sa Pilipinas na mismong si Agriculture Secretary Emmanuel Pinol ang nagkumpirma sa presensya nito sa isang poultry farm sa Pampanga noong nakaraang linggo at ngayon ay nasa Nueva Ecija na.
Ayon kay Sec. Alonto, nakatakdang talakayin ang paggawa ng plano at estratehiya upang maiwasan ang paglipat ng birdflu sa rehiyon ng ARMM.
Kasama din sa tatalakayin ang reactivation ng Bird flu Task Force sa ARMM.
Ang pulong ay pangangasiwaan ng livestock sector sa pangunguna ni Dr. Norodin A. Kuit.
Ang bird flu ay dala ng migratory birds mula sa ibang bansa, karaniwang lumilipad ito papunta sa mga marshy areas. (DAISY MANGOD-REMOGAT)

Facebook Comments