BIRO LANG DAW | Pro-China statements ni Pangulong Duterte, idinepensa nina Senators Lacson at Honasan

Manila, Philippines – Para kina Senators Panfilo Ping Lacson at Senator Gringo Honasan, walang dapat ikabahala sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor sa China.

Halimbawa nito ang sinabi ni Pangulo na gawin nang probinsya ng China ang Pilipinas.

Malinaw para kay Lacson, na biro lang ang nabanggit na pahayag ni Pangulong Duterte.


Katwiran naman ni Senador Honasan, mas dapat pagtuunan ng pansin ang mga seryoso at praktikal na policy statements ng presidente.

Tinukoy ni Honasan ang sinabi ni Pangulong Duterte na posibleng magkatuwang na exploration at paggamit ng Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Facebook Comments