Iginiit ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, hindi dapat ginagawang biro ang seguridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.
Reaksyon ito ni Chua sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi sya dadalo sa SONA ni PBBM kaakibat ang biro na itinalaga na niya ang kanyang sarili bilang “Designated Survivor.”
Ipinunto pa ni Chua na wala namang kapangyarihan si Duterte upang italaga ang kanyang sarili bilang ‘designated survivor’ dahil sa ilalim ng 1987 Constitution ang Bise Presidente ang kasunod ng pangulo sa line of succession.
Sa Amerika, designated survivor ay isang opisyal ng gobyerno na iniingatan at tinitiyak na nasa ligtas na lugar para sya ang iluluklok sa pwesto sakaling may mangyaring masama sa pangulo at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan.
Hinggil dito ay binanggit ni Chua na may binabalangkas na siyang Designated Survivor bill.