Birth certificate ni Alice Guo, pinawalang bisa na ng Tarlac RTC

Makalipas ang higit isang taon ay ngayon lamang naideklarang void o walang bisa ang certificate of live birth ni Alice Guo.

Ito ang kinumpirma ni National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Claire Dennis Mapa sa pagdinig ng budget ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Senado.

Ayon kay Mapa, nitong September 24 ay pinawalang-bisa na ang birth certificate ni Guo ng Tarlac Regional Trial Court Branch 111.

Good news aniya ito para sa ating gobyerno dahil naipakita na deklaradong walang bisa ang birth certificate ni Guo.

Ipinunto naman ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian na nagagamit sa pang-eespiya ang late registration process na lumilikha ng malaking problema sa ating national security.

Facebook Comments