Birth certificate ni Cassandra Li Ong, pinakakansela na rin

Pinakakansela na rin ni Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada ang birth certificate ni Cassandra Li Ong, ang kinatawan ng POGO Company na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Tulad kasi sa birth certificate ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sinabi ni Estrada na kwestyunable rin ang birth certificate ni Ong dahil wala sa San Juan ang address na idineklara sa kanyang birth certificate na 347 P. Mendoza Street.

Bukod dito, wala ring nakakakilala sa hilot na nakasaad sa birth certificate ni Ong na ang pangalan ay Rosario Mendez.


Late rin ang registration sa kapanganakan ni Ong at malaking kwestyon na May 23, 2000 ito ipinanganak pero May 16, 2001 naman inirehistro sa local civil registry ng San Juan ang kanyang birth certificate.

Dagdag pa rito ay wala ring record sa birth certificate ng kasal ng mga magulang ni Ong.

Facebook Comments