Birth certificate ni Mayor Alice Guo, pinakakansela na ng OSG

 

Nasa Tarlac ngayon ang team ng Office of the Solicitor General at Philippine Statistics Authority (PSA) para maghain ng petisyon sa Regional Trial Court upang hilingin na kanselahin ang birth certificate ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, inihain ang petisyon batay sa pagkabigo ni Guo na mag-comply sa legal requirements para sa late registration kabilang ang pagsumite ng supporting documents.

Lumalabas din na maraming inconsistencies o hindi pagtutugma sa birth certificate ni Guo at sa iba pang impormasyon nito sa public records.


Ang quo warranto proceeding ay isang legal remedy para kwestiyunin kung nararapat ba talaga sa public office ang isang indibidwal.

Una nang sinabi ni Guevarra na inihahanda na nila noon ang quo warranto case matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation na nagtugma ang fingerprint ng kontrobersiyal na alkalde sa Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Kanina, no-show sa pagsisimula ng preliminary investigation ang kontrobersiyal na alkalde at sa halip ay ang isa sa abogado nito ang kumatawan sa kanya sa pagharap sa Department of Justice.

Facebook Comments