“You are so beautiful and I’m here by your side”.
Ito ang ilan sa sweet message ni Matteo Guidicelli para sa asawang si Popstar Royalty Sarah Geronimo sa kanyang 32th Birthday nitong Sabado, July 25, 2020.
Sa Instagram ni Matteo, ipinost ng aktor ang kanyang pagbati sa asawa, kasabay ng pagsasabi na proud ito kay Sarah at laging siyang nariyan para sumuporta sa anumang pangarap na gusto nitong abutin sa buhay.
Kalakip ng Birthday message ng aktor ang picture nilang dalawa na nasa isang exclusive resort sa Amanpulo sa Palawan.
Nabatid na naroon ang dalawa para ituloy ang naudlot nilang honeymoon matapos ikasal noong Pebrero.
Facebook Comments