Birthday ni Mayor Jojo, inalala ng mga taga Cotabato City

Muling ginunita ng kanyang mga mahal sa buhay, mga kaibigan, mga dating katrabaho at mga supporters ang mga alaala ni Late Cotabato City Mayor Japal Jojo Guiani Jr. kasabay ng kanyang ika 58 kaarawan ngayong araw na ito.

Bumuhos rin sa social media ang mga mensahe ng pagsuporta at panghihinayang sa pagkakawala sa itinuturing na isang mabait at magaling na lider ng syudad.

Samantala, sa facebook account ni Atty. Jars Guiani , nag post ito ng picture kasama ng kanyang ina at kapatid na si City Councilor Jay sa puntod ni Mayor Jo kasabay ng caption na “You may be gone but you are never forgotten. You are always in our prayers and forever in our hearts, Ama! Happy birthday!”


Kaugnay nito, nakatakda namang ipagdiwang bukas ng mga taga Cotabato City ang kaarawan ng kasalukuyang ina ng syudad bukod pa sa itinuturing na superwoman at ikinukumpara ng kanyang mga kababayan kay Presidente Rody Duterte, Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani.

Facebook Comments