BIRTHDAY PARTY | Kylie Minogue, pinaghahandaan na ang selebrasyon ng kaniyang ika-50 na kaarawan

Ngayon pa lamang, pinagpa-planuhan na ng pop singer na si Kylie Minogue na gawing magarbo ang pagdiriwang ng kaniyang ika-50 kaarawan.

Nais ni Kylie na isagawa ito sa London kung saan siya naka-base at hangad niya na makasama ang mga kaibigan at kapamilya nito.

Umaasa naman si Kylie na makakadalo ang lahat ng kaniyang iimbitahan sa gagawin nitong kakaibang party.


Matatandaan na pansamantalang tumigil si Kylie sa kaniyang career kung saan ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “I should be so lucky”, “Can’t get you out of my head” at maraming iba pa.

Facebook Comments