Birthday Party, Nauwi sa Pukpukan ng Bote!

Santiago City, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos nitong pukpukin ng bote ang kanyang kainuman kagabi, Enero 26, 2018 sa Brgy. Villa Gonzaga, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Marvin Ogano, disi otso anyos samantalang nakilala naman ang suspek na si Elymar Muṅoz, bente uno anyos at pawang mga residente ng naturang barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Station 2 PNP Santiago City, nag-iinuman umano sa isang Birthday party sina Marvin at Elymar kasama ang iba pang mga bisita nang magkainitan sa ulo ang dalawa na nagresulta sa pagkasugat ng biktima.


Ayon sa pulisya, pinukpok umano ng suspek sa ulo ang biktima gamit ang isang kwatro-kantos na bote ng alak.

Nagawa pa umanong umuwi ng biktima sa kanilang bahay kung saan agad rin itong isinugod sa pagamutan.

Hawak na ngayon ng mga pulis ang suspek na mahaharap sa kasong Physical Injury matapos magsampa ng reklamo ang biktima.

Facebook Comments