BIRTHDAY WISH | Matagumpay na muling paglulunsad Oplan Double Barrel, hiling ni PNP Chief

Manila, Philippines – Isa ang matagumpay na paglulunsad muli ng “Oplan Double Barrel” sa mga birthday wish ni Philippine National Police Chief.

Sa flag raising ceremony sa Camp Crame, binati si Dela Rosa ng kanyang mga kasamahan sa PNP sa pagdiriwang niya ng ika-56 na kaarawan na.

Ayon kay Dela Rosa, hangad niya na wala ng mamatay sa muling paglulunsad ng Oplan Double Barrel o makaharap na matinding problema ang PNP sa pagpapatupad nito.


Bukod rito, hiling din ni Bato na patuloy pang maganda ang relasyon nito sa publiko.

Samantala, hindi naman naiwasan ni Dela Rosa na ihayag ang kalungkutan dahil sa napalawig niyang termino.

Ayon sa PNP, malungkot siya dahil hayahay na sana siya ngayon, pero agad din niya itong bumawi at sinabing masaya pa rin naman siya na maipagpapatuloy niya ang paglilingkod sa taumbayan.

Ang edad na 56 kasi ay itinakda para sa pagreretiro ng isang PNP Chief.

Facebook Comments