Alamin ang birthday wish ni Edward Barber para sa kaibigang si Maymay Entrata

Nagpaabot ang teen actor na si Edward Barber ng mula sa pusong mensahe para sa ika 23-kaarawan ng kanyang kaibigan na si Maymay Entrata.

Isang picture ang pinost kahapon ni Edward sa kanyang instagram, kasama ang birthday message para sa aktres.

Say ni Edward, sa lahat daw ng mga nangyayari sa buong mundo at pagdaan ng mga bagyo sa kanilang buhay, si Maymay daw ang bituin na nagbibigay ng pag-asa.


Aniya, kahit hindi raw nangyayari ang mga plano ni Maymay dahil sa mga nangyayari ngayon ay patuloy pa rin daw itong nakangiti at puno ng pagmamahal ng panginoon ang kanyang puso.

Tiniyak ni Edward na patuloy siyang nandyaan para sa kaibigan na itinuturing niyang “Gods Forever Princess.”

Nagpasalamat naman si Maymay sa birthday message ni Edward at sinabing nandyan rin ito para sa kaibigan.

Nitong Abril ng magpalabas ng statement sina Maymay at Edward na friends lang daw talaga sila at mas magpo-focus muna sila sa kani-kanilang career.

Facebook Comments