Manila, Philippines – Nagbiro si Labor Secretary Silvestre Bello III na pinalilipat sa kanyang kagawaran si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Sa press conference ng ‘build build build’ infrastructure program ng gobyerno noong August 12, narinig sa mikropono si Bello habang kausap si Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
Habang natatawa, sinabi ni Bello na humiling si PCO Secretary Martin Andanar sa kanya kung pwedeng ilipat si Uson sa labor department.
Matatandaang umani ang kritisismo si Uson dahil sa ‘i-pederalismo dance video’ na layunin sanang magbigay ng public awareness tungkol sa federalism.
Facebook Comments