Bisa ng anti-COVID vaccine sa mga bagong variant, sisilipin din sa isasagawa clinical trial ayon sa DOST

Aarangkada na sa mga susunod na linggo ang clinical trial ng bakuna ng kompanyang Janssen, Sinovac at Glover sa Pilipinas.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Dr. Jaime Montoya, matapos na mabigyan ng go signal ng Food and Drugs Administration, magsisimula na ang clinical trial ng Janssen ngayong linggo habang ngayong buwan o sa Marso ang sa Sinovac at Glover.

Ayon kay Montoya, batay sa pakikipag-usap nila sa mga manufacturers ng bakuna, layunin nitong makakalap ng karagdagang datos na magpapatibay sa efficacy ng kanilang mga anti-COVID vaccine.


Pag-aaralan din aniya sa clinical trial ang bisa ng mga anti-COVID vaccine sa mga bagong variant.

Nabatid na posibleng tumagal ng isang buwan ang isasagawang clinical trial ng naturang bakuna.

Facebook Comments