Bisa ng bakuna kontra COVID-19, epektibo pa rin kahit expired na – VEP

Nananatiling epektibo pa rin ang COVID-19 vaccine kahit naabot na nito ang expiration date.

Tiniyak ito ni Vaccine Expert Panel Chairperson Dr. Nina Gloriani sa panayam ng RMN Manila kasunod ng pagpapalawig ng shelf life ng bakuna kontra COVID-19.

Paliwanag ni Gloriani, walang tiyak na expiration date ang COVID-19 vaccines dahil patuloy pa rin itong sumasailalim sa stability test kung saan nakadepende lamang ito sa limitadong datos noon.


Dagdag pa nito, habang tumatagal ay mas nagkakaroon ng karagdagang pag-aaral dito na nagpapatunay sa bisa ng bakuna kahit lagpas sa naunang itinakdang expiration date dahilan para i-extend ang shelf life nito.

Kaya lamang naiturok ang bakuna kontra COVID-19 sa publiko sa kabila ng limitadong datos ay bunsod ng ibinigay na Emergency Use Authorization (EUA) dito.

Facebook Comments