Mabeberipika lamang sa pamamagitan ng clinical trials sa Pilipinas ang pahayag ng Pfizer na 90% na epektibo ang kanilang potensyal na bakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang bakuna ng Pfizer ay dadaan sa pagbubusisi ng Vaccine Expert Panel.
Kailangang malaman ang mga datos na sumusuporta sa pahayag ng Pfizer.
Kapag hindi nagsagawa ang Pfizer ng trials at magsumite ng application sa Food and Drug Administration (FDA) para sa supply, dadaan pa rin ito sa Vaccine Expert Panel para sa analysis.
Sinabi ni Dela Peña, na kailangan ang datos mula sa Phase 3 clinical trials nito.
Ang Pfizer at Biotech ay nag-develop ng bakuna laban sa COVID-19 ay inaasahang makapagbibigay ng 50 million vaccine doses ngayong taon at hanggang 1.3 billion doses sa susunod na taon.