Bisa ng ‘food pass’ stickers na inisyu ng DA, pinalawig pa

Dahil sa extension ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon hanggang April 30, pinalawig na rin ng Department of Agriculture (DA) ang validity ng ‘food pass’ stickers at mga kahalintulad na dokumento na inisyu nito sa buong bansa.

Ang pagpapalawig sa bisa ng mga ‘food pass’ ay upang matiyak ang tuloy tuloy at maayos na pag transport ng pagkain, cargoes at agri-fishery inputs essential sa food production at processing.

Kabilang din dito ang galaw ng mga frontliners tulad ng magsasaka, mangingisda at manggagawa sa food processing facilities sa buong bansa.


Inatasan ni Agriculture Secretary William Dar ang lahat ng DA regional field offices na makipag-ugnayan sa Local Government Units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) para tiyaking kilalanin ang extension sa mga checkpoints.

Sa kabuuan, abot sa 73,189 food passes ang inisyu ng DA Central Office at mga Regional Office nito sa buong bansa mula nang ipatupad ang ECQ sa Luzon.

Facebook Comments