Bisa ng prangkisa ng Mislatel, iginiit ng DICT sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Sa pagdinig ngayon ng senate committee on public services ay iginiit ni Department of Information and Communications Technology o DICT Secretary Eliseo Rio na may bisa ang prangkisang ibinigay ng Konggreso sa Mislatel o Mindanao Islamic Telephone Company.

Paliwanag ni Rio, walang korte o quasi judicial body na nagpabasura sa prangkisa ng Mislatel na bahagi ng consortium na napili na maging ikatlong player sa telecommunications industry o third telco.

Ang posisyon ni Rio ay sinuportahan nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at ng abogado ng Mislatel na si Atty. Adel Tamano.


Katwiran nina Zubiri at Tamano, hindi maaring basta na lang sabihin ng mga senador na wala nang prangkisa ang Mislatel dahil kailangan pa itong dumaan sa due process.

Sa pagdinig ay sinegundahan naman ni Atty. Robert Beltejar ng Integrated Bar of the Philippines ang pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ipso facto o for a fact nang walang bisa ang prangkisa ng mislatel kahit walang deklarayson ang korte.

Facebook Comments