Bisa ng special permit ng ilang bus, simula na ngayong araw – LTFRB

Nagsimula na ngayong araw ang bisa ng pecial permit na ibinigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilang bus operators kasunod ng paparating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at sa panahon ng Undas.

Mula ngayong araw hanggang November 6, 2023 ang bisa ng special permit.

Mas mahaba ang bisa na ipinagkaloob ng LTFRB dahil sa sunod na okasyon kung saan inaasahan ang mataas na demand ng mga pasahero na magsisiuwian sa mga probinsya.


Batay sa datos ng LTFRB, abot sa 767 units ng bus ang nag-file para sa special permit.

Facebook Comments