Naghain na ng kandidatura sa pagka-alkalde ang bise alkalde ng Malabon na si Jeannie Sandoval sa ilalim ng Pardito Nacionalista.
Kaninang alas-8 ng umaga nang dumating sa Commission on Election (Comelec) sa Malabon si Sandoval upang maghain ng Certificate of Candidacy (COC).
Bilang pagsunod sa panawagan ng Philippine National Police (PNP), walang motorcade ang bise alkalde upang masunod ang health protocol.
Tanging sina Congressman Ricky Sandoval at mga kapartido na maghahain ng COC ang nakita nating dumating sa Comelec-Malabon.
Kabilang sa plataporma ni Sandoval na ngayon ay tatakbo bilang alkalde ay maisaayos ang pangkalusugan, pabahay para sa mga taga-Malabon lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ngayon ay kasalukuyan nang ginagawa ang San Lorenzo Ruiz General Hospital na mayroong 200 bed capacity.
Target din na maisaayos ang livelihood para magkaroon ng trabaho at kabuhayan upang masuportahan ang kanilang mga pamilya.