Nanumpa na bilang Acting Mayor si Sual Vice Mayor JC Arcinue matapos ang umano’y suspensyon ni Mayor Dong Calugay mula sa Ombudsman.
Sa Isang presscon, iginiit naman ng kampo ni Calugay na invalid at walang basehan ang minadali umanong oath taking ni Arcinue.
Saad ng mga abogado ng alkalde, protektado ng RA 11059 at Omnibus Election Code ang opisyal bilang COMELEC ang may ‘blanket authority’ habang umiiral ang election period kahit pa may imposition ang ombudsman sa naturang kautusan.
Kahalintulad ng pagpapatupad ng gun ban at iba pang resolusyon tuwing election period, COMELEC umano ang may kapangyarihan kabilang sa pagpapatupad ng suspension.
Dagdag ng mga ito, posibleng peke at hindi dumaan sa tamang proseso ang inihaing suspension order ng DILG dahil walang dry seal ng opisina ng kalihim ang naturang dokumento bukod pa sa walang pormal na papel natanggap ang alkalde.
Sakali umanong magpumilit ang kampo ng bise alkalde matapos ang kanyang panunumpa bilang acting mayor, ito umano ay malinaw na paglabag sa OMnibus Election Codeng bansa.
Base sa naturang suspension order mula sa Ombudsman, hinatulan ng tatlong buwan na suspensyon si Mayor Dong Calugay at isang empleyado matapos mahatulang Guilty sa kasong Simple Misconduct sa pag-apruba ng operasyon ng ilang fish cages sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments